May 17, 2024

IKA-6 NA TALO NG GSW, PINALASAP NG THUNDERS

Nalasap ng Golden State Warriors ang ika-anim na sunod na pagkatalo sa sarili nitong home court sa kamay ng Oklahoma City Thunder, 130-123.

Nakapagtala ng solid 40 points si Gilgeous-Alexander na may kasamang 6 rebounds at 6 assists.

Solid ang naging ambag ni Chet Holmgren na kumamada ng double-double performance 36 points, 10 rebounds at 5 assists.

Nagpakawala ng tres si Andrew Wiggins sa huling dalawang segundo ng fourth quarter, 114-117.

Sa huling isang segundo naman bumitaw ng tres si Holmgren at na puwersa sa overtime ang laban.

Sa overtime tinapos ng Thunder sa pamamagitan ng kanilang mahigpit na depensa upang maiuwi ang panalo, 130-123.