Nanawagan ng agarang reporma sa global debt system ang mga lider ng pangkalahatang kalusugan at mga advocate mula sa Pilipinas ngayong Martes, Agosto 4, kasabay ng babala na ang lumalaking bayarin sa utang ay patuloy na nakikipag-agawan sa pondo para sa kalusugan, edukasyon, at iba pang pangunahing serbisyo.
Sa “Freedom from Debt” press conference na inorganisa ng AIDS Healthcare Foundation (AHF) sa Marriott Hotel, binigyang-diin ng mga advocate na ang utang ay hindi lamang usaping pinansyal kundi isang pampublikong isyu sa kalusugan.
Sa kasalukuyan, nasa 3.4 bilyong tao sa buong mundo ang nabubuhay sa mga bansang mas malaki pa ang ginagastos sa pagbabayad ng utang kaysa sa kalusugan o edukasyon.
Sa Pilipinas, mahigit P2 trilyon—o humigit-kumulang 30% ng pambansang badyet—ang nakalaan sa debt servicing, na nagdudulot ng mga katanungan kung magkano na lamang ang naiiiwan para sa mga serbisyong direktang pakikinabangan ng mga Pilipino.
““Every budget season, Filipinos hear promises of better healthcare, education and social services. But these goals become harder to achieve when a substantial share of public resources is devoted to debt payments,” pahayag ni Raquel Castillo mula sa Freedom from Debt Coalition Philippines.
Isinusulong din ni Castillo ang pagsusuri sa mga foreign debt ng bansa at ang pagpapatigil sa automatic debt servicing policy.
Binigyang-diin naman ni Dr. Ryan Guinaran, AHF Philippines Country Program Manager, ang epekto nito sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan.
“Debt is not an abstract economic issue. It affects the services people receive, the opportunities available to communities, and the government’s ability to respond during times of crisis,” aniya.
Ilan sa mga pangunahing repormang isinusulong ng Freedom from Debt campaign ay pagtatag ng Borrowers’ Forum upang palakasin ang kapangyarihan sa negosasyon ng mga developing countries, awtomatikong pagpapatigil sa pagbabayad ng utang (debt-service pauses) tuwing may public health at (climate emergencies, at pagtatag ng 1% AI Solidarity Levy upang makatulong sa pagpopondo ng debt relief at mga pangunahing pampublikong serbisyo.
“No country should have to choose between paying its creditors and investing in the health, education, and future of its people. Debt must be a tool for development, not a barrier to it,” ayon naman kay AHF Asia Bureau Dr. Sarth Chhim.
Dumalo rin sa naturang talakayan ang iba pang pandaigdigang lider tulad nina Dr. Guilherme Duarte (Executive Director ng UNITE), Dr. Fernando Ariel Terron (Director ng AHF Global Public Health Institute para sa Latin America at Caribbean), at Utaara Mootu, isang miyembro ng Parliamento mula sa Namibia.
