May 3, 2024

REDMAN VS BOY RUGBY, BAKBAKAN NA SA URCC GLOBAL ROYAL BARE KNUCKLE

Faceoff nina Redman at Rugby Boy habang nakamasid di fight organizer official Aaron Catunao. (M. Salazar)


SASAMBULAT na ngayon ang naipong init at tensyon sa pagitan nina Richard Redman kontra Dondon  ‘Rugby boy’ sa 174 kg weight division at bilang main event ng URCC   ’82 Royal Bare  Knuckle Fight Night na magbabakbakan sa Royal Night Club sa Poblacion, Makati City.

Si Redman na beterano nang mixed martial artist sa URCC ay haharapin ang kanyang hinamon na si Rugby boy matapos magpasiklab ang huli sa nakaraan nitong  bakbakan sa Okada, Manila.

Sina Redman at Cebuanong si Serrano ay magpapang-abot sa main event na matapos ang mga pares ng iba pang bare knucklers . Nai-match-up ang mainers dahil sa laging mainit na patutsada ng magkabilang panig.

“Panoorin nyo ang laban namin ni Redman dito sa Royal Club. Nirerespeto ko siya as an athlete pero pagdating sa ruweda ay bakbakan talaga at doon mo makikita ang tunay na pagiging fighter ko yeow! Manood po kayo,para patunayan niya ang mga patutsada niya sa akin, bibigyan ko kayo ng magandang laban”, wika ng 31 -anyos na dating amateur boxer turned MMA fighter at ngayon ay bare knuckle dahil ito ang laban na patibayan at walang anumang proteksiyon sa kamao.

“This is our first ever bare knuckle fight. Si Redman is a veteran  MMAer,si Boy Rugby na dating boxer ay nakita natin kung gaano siya kagaling noong nakaraan  sa Okada,he scored an impressive knockout. Si Redman mainit sa kanya kaya sila ang  pinaglaban namin. May mga explosive tayong supporting bouts mula sa mga  upcoming bare knuckle fighters. Bakbakan na!”, sambit naman  ni URCC  chief Alvin Aguilar.  

Aabangan din ang bangasan nina Daryl Marormita vs Marvin Malunes sa 135 category ,Rogelio Enumerables vs Mark Sadang sa 160 kg. at pasiklab na laban mula sa Catalan Fighting System ni dating international wushu gold medalist Rene Catalan.