December 20, 2024

RECTO PAPALITAN SI DIOKNO: WALA KONG ALAM

WALA akong alam. Hindi ako makakapag-komento dyan.

Ito ang tugon ni House Deputy Speaker Ralph Recto nang tanungin kung siya ba ang kapalit ni Benjamin Diokno bilang Finance Secretary.

Sinabi pa sa bali-balita na pirmado na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment letter ng kongresista.

“Ang Pangulo na ang makapagdedesisyon nyan. Ako po ay nakatuon ngayon sa 2024 budget,” sabi pa ni Recto.

Tinanong din si Recto sa partisipasyon nito sa 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Amerika na nakalikha pa ng apoy sa ispekulasyon sa posisyon na iiwan umano ni Dikono.

Subalit, iginiit ni Recto na naroroon siya sa Amerika bilang kinatawan ng Kamara.

Ilang grupo sa sektor ng agrikultura ang humiling na kay Marcos mula pa noong Setyembre na ilaglag na si Diokno nilang Finance Secretary dahil sa mga binibitawang pahayag na hindi umano kinokonsulta hinggil sa imposisyon ng rice price cap.