May 2, 2024

San Miguel Beer dinurog Rain or Shine, 115-110

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Rain or Shine 115-110 sa patuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Hinabol pa ng Beermen ang 13 puntos na kalamangan ng Rain or Shine sa last quarter.

Nanguna sa panalo ng Beermen ang kanilang import na si Ivan Aska na mayroong 28 points habang mayroong 23 points si Marcio Lassiter.

Nagdagdag naman ng 17 points si CJ Perez at 16 points si June Mar Fajardo.

Nasayang naman ang nagawang 33- points ni Gian Mamuyac para sa Elasto Painters.

Pinuri ni Beermen coach Jorge Gallent si Lassiter dahil sa hindi ito nagpagod para mahabol ang Rain or Shine. (RON TOLENTINO)