May 17, 2024

RALPH ROBIN, BUMIDA SA PANALO NG EAC GENERALS SA SAN SEBASTIAN STAGS

Uminit sa fourth quarter si Ralph Robin para sa Emilio Aguinaldo College. Dahilan upang ratratin ng Generals ang San Sebastian College-Recoletos, 63-60 sa NCAA Season 97.


Nagbuslo ang shooting guard na si Robin ng kabuuang 27 points. Kung saan, ang ginawa niyang triples ang nagpanalo sa Generals. Nahabol din ng team ang 12 point deficit.


Umalalay si JP Magullano sa paint at lumamang ang Generals sa 57-58, may 2:43 na lamang ang nalalabi. Muling lumamang ang Stags sa ginawang tres ni Michael Are, 60-57. Ngunit, naitabla ito ng hot-shotting na si Robin.

Sa ngayon ay may record ang Generals na 3-3. Samantalang ang Stags ay may record na 2-4 sa torneo.