NAGSANAY si Rafa Nadal sa sidelines ng Barcelona Open noong Sabado (April 13) dahil umaasa siya na makababangon mula sa injury sa turneyo na kanyang napanalunan ng 12 beses.
Huminto ang injury-laden Spaniard sa Monte Carlo Masters noong nakaraang linggo at sinabing hindi pa handa ang kanyang katawan para sumabak sa isang torneo at inaalam pa kung magiging fit siya para sa Barcelona sa susunod na linggo.
Ayon sa organizers, hindi pa kinukumpirma ni Nadal kung maglalaro ito sa ATP 500 tournament. Kung babalik siya, makakaharap niya ang 21-anyos na Italian na si Flavio Cobolli sa opening round.
Ang 37-taong-gulang, na nagsabing inaasahan niyang magretiro pagkatapos ng 2024 season, ay bumalik sa kumpetisyon sa Brisbane noong Enero, pagkatapos ng halos isang taon na nag-sideline dahil sa isang hip flexor injury, ngunit hindi na naglaro ng ATP event mula noon. RON TOLENTINO
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela