May 2, 2024

DIREK CATHY GARCIA, HUWAG DAW BIGYAN NG KULAY SWEETNESS NG KATHDEN

TALAGANG wala lang ang dating ng sweetness ng samahan nina Kathryn Bernado at Alden Richards kay Direk Cathy Garcia, hindi ito naniniwala at nagkataon na magkasama lang daw kasi ang dalawa.

“Porke ba magkasama na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay nagkaligawan na iyong dalawa? Hala! Ano ba ‘yun?!

“Pwede namang pure friendship lang, pwede ring simula of something. Pero, wala pa tayong alam doon, so let’s not judge or mag-assume tayo ng something.

“Okay lang kung maging sina Kathryn at Alden, besides pareho naman silang walang commitment as of the moment.

“Pero ako gusto ko munang mapahinga ang puso ni Kathryn, para mas open siyang tumanggap ng bagong mamahalin kahit sino man siya,” pahayag pa ni Direk Cathy Garcia.