Habang wala pang laro sa Premier Volleyball League (PVL), hindi nawawala sa eksena si Rachel Anne Daquis.
Bumuhos kasi sa former FEU Lady Tamaraws volleybelle ang product endorsements. Lalo na ang mga organic products.
Si Rachel Anne Daquis kasi ang panibagong endorser ng isang coffee brand na ” Glorious Blend”. Ang nasabing kape ay healthy at sugar-free.
Ito ay may ingredient na stevia na isang natural sweetener na mula sa stevia plant (Stevia rebaudiana). Ayon pa sa CIgnal HD Spikers volleybelle, ang stevia ay zero calories.
Ngunit, ito ay 200 times na may matamis sa table sugar. Ideal ang brand ng kape sa mga taong nagnanais na bumama ang timbang. Gayundin na mabawasan ang sugar intake sa katawan.
Bukod dito, newest endorser din si Daquiz ng isang energy drink na BM Max. Ito ay isang natural juice na nagpapalakas. Gayundin ng Bio Patch na tila ina-acupunture ang paa ng isang taong gagamit nito.
Nagpapawala in ng pagod, nagpapaigi ng tulog at nag-aalis ng muscle at joint paints.
Kinuha rin siyang brand ambassador ng Essensa Naturale. Kaya, very thankful si Rachel sa bumuhos na biyaya sa kanya.
Samantala, may pakulo naman ang Cignal na pahulaan. Kung saan, huhulaan ng fans ni Rachel kung sino ang favorite niyang aktres.
Ang pinagpipilian ay sina Maine Mendoza, Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2