Magpapatupad ang Quezon City ng mahigpit na seguridad sa mga pampublikong paaralan.
Ito’y makaraang mapatay ang isang estudyante nang saksakin ng kanyang kaklase sa Culiat High School noong Enero 20.
“While we consider this an isolated case, the incident underscored the need to come up with additional security interventions in our public learning institutions,” ayon kay Quezon City mayor Joy Belmonte.
Ang nasabing kautusan ay nasundan ng isang pagpupulong kasama ang iba’t ibang ahensiya at stakeholders ng siyudad, kabilang na ang Quezon City Police District (QCPD), Social Services and Development Department, Schools Division Office at iba pa.
Ayon kay Belmonte, ilang sa kanilang gagawin ay ang paglalagay ng karagdagang kamera sa mga eskwelahan at random security checks.
Iniutos din ang preventive measures, kabilang ang values formation programs at ang pagkuha ng mas maraming guidance counselors, ani ng LGU.
More Stories
BRIAN POE, FPJ PANDAY BAYANIHAN ALL IN PARA SA SPORTS, EDUKASYON
GRETCHEN BARRETTO, HANDA NANG PASUKIN ANG POLITIKA?
SEN. BONG REVILLA: PAPREMYO NI TOLOME NGAYONG LINGGO NA