Kinilala ng Quezon City Schools Division Office (QC SDO) ang Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) bilang No. 1 Alternative Learning System (ALS) Learning Center sa District 4 matapos makapagtala ng malaking bilang ng ALS passers.
Nakapagtala ang QCJMD ng 237 ALS passers na sinundan ng Quezon City Female Dorm (QCFed) na may 156 passers at Krus Na Ligtas High School na may 136 passers.
Kinilala rin ang QCJMD bilang 3rd Best ALS Learning Center sa Division level kasunod sa Barangay Commonwealth (462 passers) at Ismael Mathay Sr., Highschool (243 passers).
Ibinigay ng SC SDO ang naturang award noong Setyembre 17, 2022 sa “Alternative Learning System (ALS) Gawad Parangal 2022” na isinagawa sa Benigno S. Aquino Elementary School.
“Binabati natin ang lahat ng nakapasang ALS students sa ikaapat na distrito ng ating lungsod, lalo na sa ating persons deprived of liberty (PDLs),” saad ni Mayor Joy Belmonte. “Umaasa ako na ito’y isang malaking hakbang tungo sa pagbabago at pag-unlad ng inyong mga buhay sa hinaharap. Magsilbi rin sana itong daan sa pag-abot ng inyong mga pangarap,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA