May 9, 2024

Pwedeng magpatawad pero ‘di ang makalimot… JESSICA SOHO, DINEDMA PAGHINGI NG TAWAD NI VICE GANDA

MALABO pang harapin ni Ms. Jessica Soho ang sumira sa kanyang image na si Vice Ganda, kahit sabihin pang nasa GTV-GMA 7 na siya. Hindi nga naman magandang biro ang ginawa ni Vice kay Ms. Jessica Soho. Nagbitiw kasi si Vice ng birong may kinalaman sa ‘gang rape’ with matching pagbanggit ng lechon.

“Hindi ho nagustuhan ni Ms. Jessica Soho ang birong iyon na ginawa ni Vice Ganda, maging ang mga supporters ni Ms. Jessica ay nag react sa ginawang iyon ni Vice. Nag sorry si Vice, pero nakasakit na siya ng kanyang kapwa at ngayong nasa tahanan na siya ng GMA 7 ay inaayos na ng staff niya na maging ok sila ni Ms. Jessics Soho.

“Bigo ang kampo ni Vice Ganda, na makapag guest siya sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho.’ Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Ms. Jessica Soho ang pambababoy sa kanya ni Vice Ganda. Tama iyong kasabihan na ‘people may forgive but they don’t forget.’

“Nagpasabi na rin ang make-up artist ni Ms. Jessica Soho na malabo siyang harapin nito ng personal, sanay maging leksyon ito kay Vice Ganda sa mga jokes niyang nakakasira ng imahe ng iba.” Malungkot na paliwanag ng aking source.