May 9, 2024

Mga fans dedma sa isyu… REGINE VELASQUEZ LAOS NA RAW?

KAHIT sabihing ‘laos’ na siya, mahal pa rin siya ng kanyang mga tagahanga. Ang katunayan nito, halos lahat ng venue na pinagdarausan ng kanyang concert ay lagi itong puno. Nalungkot ang kanyang mga fans sa sinabi ni Regine na “I know it’s no longer my time. Alam kong mas maraming magaga­ling ngayon. Pero, hanggang may makikinig sa akin, I’ll continue singing, I’ll continue performing.”

Kaya naman patuloy pa rin ang pagtangkilik sa kanya ng kanyang mga fans na hindi na niniwala sa kanyang sinabi.

“Hindi na mabubura sa Music Industry ang mga kontribusyong kanyang ibinahagi, isa na siyang haligi ng music industry na hindi kailanman na pwedeng makalimutan.

“Timeless si Regine, ilan dekada na rin ba ang kanyang narating na hanggang ngayon ay andiriyan pa rin at patuloy na nagbibigay saya sa kanyang mga followers na hindi nagsasawa siyang tangkilikin.” Salaysay pa ng aking souce na hindi matanggap sa sinabi ng kanyang idolo.