May 18, 2024

PULIS, PATAY SA PAMAMARIL NG ARMADONG GRUPO SA NORTHERN SAMAR!

Kalunos-lunos ang sinapit ni PSSg Joerel Pajac na nakatalaga sa Northern Samar Provincial Intelligence Unit (NSPIU) at residente ng Bgy. Calingnan, Catubig sa probinsya ng Northern Samar na paulit-ulit na binaril ng apat na hindi pa nakikilalang mga lalaki habang siya ay bumababa sa isang bangkang de-motor sa Sitio Ugkad ng naturang bayan at patuloy na pinagbabaril kahit na siya ay tumalon sa tubig upang makatakas.

Nangyari ang insidente dakong 11:20 ng umaga nito lamang ika-10 ng Enero, 2022.

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Bgy. San Francisco sa bayan ng Catubig.

Sa ngayon ay tinutugis na ng mga tauhan ng Catubig Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Noel B Unay, Officer-in-Charge ang mga suspek.

Mariing kinokondena ng hanay ng Pambansang Pulisya ang pataksil na pag-atake at walang awang pagpatay kay PSSg Pajac na tanging mga halang ang kaluluwa lamang ang makagagawa. (BONIFACIO DESPE)