May 7, 2024

PSL PRO: DAVAO OCC.TIGERS COCOLIFE WIN # 2 SA DUMPER CUP WINZIR

Natakasan ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang mainit na paghabol ng Manila City Stars upang  itala ang ikalawang sunod na panalo ,105-91  sa pagpapatuloy ng elimination round ng Pilipinas Super League (PSL) second conference PRO Dumper Cup sa dinagsang  AYSN Sports Center San Juan City kagabi.

Mas nanaig ang veteran moves nina Larry Rodriguez, Keith Agovida at John Wilson partikular sa endgame upang  mapigil ang nagbabagang rally ng Manilenos at maipreserba ang panalo ng koponang pag-aari ng Bautista clan at  suportado naman  nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.

Tinanghal na Super Player of the Week si steakshooter John Wilson sa kanyang  pagkamada ng 16 points,9 rebounds, at 3 assists.


Angat ang Tigers kontra Stars ,49-39  sa halftime tungo sa pagtala ng second straight victory ng koponan mula Davao at manatiling walang mantsa ang record sa ligang imorganisa ni PSL president Rocky Chan katuwang sina VP Ray Alao , Commissioner Mark Pingris at CEO Mayor Dinko Bautista.

Naunang pinabagsak ng Tigers Cocolife ang star-studded team na Boracay Islanders, 88-85 noong opening game ng Pambansang Liga na suportado rin ng Unisol,Converge FiberX, Finn Cotton, WDC, Wcube Solutuion, Don Benitos, Winzir at Dumper Party List.