Nagkaroon ng gap pole vaulter EJ Obiena at ang Philippine Athletics and Track and Field (PATAFA). Kung saan ay nais itong maaayos ng Philippine Sports Commission (PSC). Nag-ugat ang tampuan sa pagitan ng PATAFA at ni Obiena dahil sa P4.8-milyon allowance ng atleta.
Nagreklamo si Obiena sa PSC, International Olympic Committee (OIC) at World Athletics. Aniya, sinira umano ng PATAFA ang kanyang reputasyon. Na hindi raw niya binabayaran ang kanyang Ukranian coach na si Vitaliy Petrov. Isa pa, pinepeke umano niya ang liquidation report sa nabanggit na halaga.
“Ibinibigay ko ang suweldo ng coach ko at di ko pineke ang liquidation report. Ang ikinasasama ng loob ko, pinababalik sa akin ng PATAFA ang P4.8 milyon,” ani Obiena.
Kaya naman, handa itong ayusin ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
“For now, let us allow PATAFA and EJ to sort the matter internally within their national sport association, as it should be. The PSC will intervene when it is appropriate,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2