December 23, 2024

PSC Comm. Gaston panauhin sa TOPS ‘Usapang Sports’

PANAUHIN si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Matthew ‘Fritz’ Gaston sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Nov. 16 sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) Malate, Manila.

Mga kaganapan sa sport agency at mga nakalinyang programa na pinaghahandaan kabilang ang Indigenous People’s (IP) Games na nakatakda ngayong weekend sa Puerto Princesa, Palawan ang inaasahang magiging sentro ng talakayan sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Magsisumula ang programa ganap na 10:30 ng umaga.

Naging Commissioner si Gaston sa Games and Amusements Board (GAB) bago naitalagang miyembro ng PSC Board sa administrasyon ng Pangulong BongBong Marcos kasama sina Olympian Walter Torres, Cebuano sportsman Edward Hayco, bowling hall-of-famer Olivia ‘Bong’ Coo at dating PBA player/team manager Richard Bachmann bilang Chairman.

Dati ring professional basketball player si Gaston noong dekada 80 at nakilala sa collegiate league bilang miyembro ng Ateneo na kalaunan ay ginabayan din niya bilang head coach.

Inaanyayahan ni TOPS President Maribeth Repizo ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page, gayundin sa Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) mobile broadcast na maaring madownload sa inyong Android phone. RON TOLENTINO