December 25, 2024

PSC abala sa maagang paalis na Ph athletes na sasabak sa Cambodia SEAGames

SA kanyang pagtupad sa pangakong suporta sa atletang Pilipino noong nakaraang  send-off ceremony para sa 32nd Southeast Asian Games delegation noong Lunes,  Ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos’ sa pamamagitan ng  Philippine Sports Commission (PSC), ay babalikatin lahat  ng tampok na gastusin ng early departures tungong biennial event, tulad ng mga miyembro ng national chess at  cricket teams na tutulak pa- Cambodia ilang araw bago ang  opisyal na pambungad seremonya ng SEAGames sa  Mayo 5.

Sina Asia’s first Chess Grandmaster (GM) Eugene Torre at Woman Grandmaster (WGM) Janelle Frayna ay  pamumunuan ang 11-man Filipino woodpushers sa kanilang pagsabak sa ouk chaktrang event ng  Cambodia games na ihu-host ng  siyudad ng  Phnom Penh.

Ang Ouk Chaktrang ay isang  Cambodian chess variant na ipinakilala ng Cambodia Southeast Asian Games Organizing Committee para sa  32nd edition ng naturang biennial meet kung saan ay nag-uwi ang Pinoy woodpushers ng 2 silver at  3 bronze medals noong nakaraang Hanoi Sea Games..

Bukod sa  chess, ang  Philippine Cricket Association, Inc. (PCA) sa pamumuno ni chief executive officer Faisal Khan patungong  Cambodia sa  Huwebes April 27.Si  Six-a-side captain Jennifer Olmillo Alumbro, at T10 captain Simranjeet Figuerra Sirah ang babandera sa cricket squad.

Ang mga miyemvro ng   National Sailing team na binubuo nina Josa Gonzales, Ronelio Castelio, Teogenes Villando at Jeanson Lumapas at Philippine Windsurfers ay nakaalis na noong April 18.

Ang sailing team ay naka -kopo ng 3 golds, 1 silver and 1 bronze noong  2019 edition, habang ang windsurfing team ay gumiya ng  2 golds at 1 silver.

Samantala, ang  national teams ng  hockey, triathlon, at volleyball ay tutulak ngayong Abril 29 kasabay ang  ilang PSC support staff.