May 18, 2024

Mga Barko at Militar ng China, Nakapalibot na sa Ilang Isla ng West Philippine Sea

Dineploy ni Philippine Coast Guard  Commandant Admiral Artemio Abu ang dalawang 44-meter PCG vessels upang isakatuparan ang  seven-day maritime patrol sa West Philippine Sea o W-P-S.

Ayon kay Commander Jay Tarriela, PCG Spokesman sa WPS, mula Abril 18 hanggang Abril a-24 naka-deploy ang

BRP Malapascua (MRRV-4402) at BRP Malabrigo (MRRV-4403) sa Sabina Shoal, Iroquis Reef, Lawak, Patag, Likas, Parola, Pag-asa, Tizzard Bank, Julian Felipe Reef, at Ayungin Shoal.

Sa kabuuan aniya ng mission, natukoy  ng  PCG mahigit na 100  Chinese Maritime Militia vessels,  People’s Liberation Army Navy corvette class at dalawang barko ng China Coast Guard.

Mayroon din aniya 18  Chinese maritime militia vessels malapit sa Sabina Shoal.

Sa kabila aniya ng sunud-sunod na babala at radio ng dalawang PCG vessels,  hindi nakinig ang  Chinese Maritime Militia at hindi umalis sa naturang lugar.

Nagkaroon din aniya ng komprontasyon sa pagitan ng CCG at PCG,

Mayroon din aniyang apat na karagdagang CMM vessels,na tila nangingisda sa lugar ngunit napaalis ng PCG sa Pag-asa, apat na nautical miles.

May nakita rin anjya na 17 grupo ng CMM sa bisinidad ng Julian Felipe Reef, na may kabuuang 100 vessels.

Ito ang ilan lamang sa nadiskubre sa pitong araw na maritime patrol na ipinag-utos ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu.

Sinabi ni Tarriela na naisumite na sa National Task Force West Philippine Sea (NTFWPS), ang nabanggit na report sa presensiya ng  Chinese warship at CMM sa Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ), gayundin ang agresibong pagkilos ng CCG laban sa PCG vessels.