May 17, 2024

PROVINCIAL DIRECTOR, BINOGA NG SARHENTO

JOLO, SULU – Patay ang Provincial Director ng Sulu matapos barilin ng isang pulis na nakatalaga sa Quarantine Check Point sa lugar ng Big Bites, Brgy. Asturias ng nasabing bayan  bandang-4:20 ng hapon nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si PCol. Michael C. Bawayan Jr., 49, residente ng Baguio City, ang kasalukuyang Provincial Director ng nabanggit na probinsya habang kinilala naman ang suspek na si Police Staff Sargeant Imran A. Jilah na nakatalaga sa 3rd MP ng 2nd Mobile Force Company, 43 anyos at residente ng Kasalamatan Village, Brgy. San Raymundo ng ng parehong bayan.

Base sa ulat kasalukuyang nag-i-inspection sa lugar ang biktima sa naturang check point ng magtalo sina PCol. Bawayan Jr, at ang suspek na si PSSG Jilah na bigla na lamang binunot ang kanyang service firearms at ipinutok sa kanyang opisyal agad naman gumanti ng putok ang mga police aid ng biktima at napatay ang suspek.

Naisugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ang opisyal subalit idineklarang dead on arrival ng mga rumespondeng doktor. Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang dahilan kung bakit nauwi sa barilan ang nasabing check point inspection ng biktima. (KOI HIPOLITO)