May 12, 2024

PROBLEMADO SA PAMILYA AT PERA, MISTER NAGBIGTI

Nagpakamatay ang isang 42-anyos na mister sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon dala ng problema umano sa pamilya at pera sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Nonito Fonelas, stay-in driver sa Bendel Construction Supply na matatagpuan sa No. 46 Don Basillio Bautista Boulevard, Barangay Dampalit.

Sa report ni police investigator PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-8 ng umaga nang makita ng kanyang pamangkin na si Bartolome Em, 28, helper ang biktima na nakabigti gamit ang nylon rope sa loob ng kanilang tinutuluyan sa No. 46 Don Basillio Bautista Boulevard.

Ipinaalam ng saksi ang insidente sa pulisya at lumabas sa imbestigasyon na dumaranas ang biktima ng depresyon dahil sa problema sa pamilya at pera.

Ayon kay P/Major Patrick Alvarado, hepe ng Malabon Sub-Station 7, nag-abroad ang asawa ng biktima subalit hindi na ito umuwi dahil sumama umano sa ibang lalaki.
Lumagda at nag-excute ng isang waiver ang kaanak ng nasawi na hindi na sila interesado sa anumang gagawing imbestigasyon ng pulisya dahil sa paniwalang walang naganap na foul play at sadyang nagpakamatay ang biktima.