Kumusta ang buhay natin mga Cabalen? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Himayin nga natin mga Cabalen ang tungkol sa panawagan ng mga taga- ABS-CBN na bigyan ng panibagong prangkisa ang istasyon.
Isinasangkalan nila ang kanilang mga manggagawa na lubha raw aniyang maapektuhan sa tuluyang pagsasara ng network.
Isa pa mga Cabalen, ang nakadududang lumabas na SWS surbey na 75 percent ng mga Pilipino ang sangayon sa pagpapanatili ng network.
Okay, unahin natin itong mga panawagan ng mga taga-Dos, lalo na ang kanilang mga artista at mga kaalyado— na kawawa ang 11,000 workers na mawawalan ng trabaho, lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya.
Totoo nga kayang may malasakit sa mga manggagawa nila ang Kapamilya? ‘E ano ang sinasabi ng dating reporter nila na si Weng Hidalgo na tinabla sila ng network? Pinaniniwalaan ba natin si Hidalgo? May punto kasi siya at nararamdaman kong totoo ang sinasabi niya.
Ayon sa pahayag ni Hidalgo, nagsimula siya bilang production assistant noong 1994. Mula run ay naging researcher, segment producer at TV news Reporter. Nagtagal siya sa palatuntunan ng Hoy Gising. Noong panahong hindi pa siya regular at umaasa na magiging regular sa network. Sa halip na gawing regular ay ikinamada siya sa graveyard shift noong 2009, na parang bumalik muli siya sa ibaba.
Noong 2010, nagsimulang mag-pirate ang TV 5 ng mga reporters, ang ginawa niya ng management ng Dos, ginawang regular ang nasa IGM— puwera sa kanya at sa dalawa niyang kasamang reporter. Tinanong niya ang dati niyang boss na si Maria Ressa kung bakit ganun. Ang sagot ni MR, ilalagay niya si Hidalgo sa under probation gayung 16 taong naglingkod ang pobreng alagad ng mamamahayag.
Ganyan ba ang halimbawa ng pagpapahalaga sa isang mangagawa? Kaya pala panay banat nitong si Maria Ressa sa administrasyon dahil may kaugnayan pala siya sa Dos. Nabuking na. Ang saya-saya di po ba?
Saka may mga empleyado sila noon na hindi pinasasahod at may 67 pending cases na isinampa ang mga workers sa NLRC sa iba’t-ibang korte. Nagsinungaling din sila sa DOLE na sinabing aprubado raw ng ahensiya ang seasonal work arrangement— at ito ang sinasabi nila sa mga workers para hindi maregular. Kaya, kinasuhan ng DOLE ang mga abogado ng ABS-CBN ng ‘intellectual dishonesty’.
Isa pa, masasabi bang pro-labor ang network gayung wala silang bayad sa overtime, walang 13th month pay, no sick leave, no holiday pay, no benefits, no allowances— di ba mga IJM?
Kaugnay naman naman sa lumabas na resulta ng surbey ng SWS mga Cabalen, naniniwala ba kayo? Ayon sa FB page na Hidden Official, Isinagawa ang survey noong July 3 hanggang 6, 2020. Lumalabas na 75 percent pabor na mabigyan ng franchise ang Dos. Parang nakaloloko di po ba?
Ang estimated population ng bansa sa ngayon ay 100 milyon at 75 percent niyan ay 75 milyong katao. Mga Cabalen, papaano nagawa ng SWS ang survey at nakalap ang datus sa loob lamang ng 4 na araw? Simpleng mathematical equation lang yan. Papaano kayo nakapag-survey gayung nasa gitna tayo ng laban sa Covid-19 pandemic? Papanaong nakatugon ang 75 milyong katao sa survey sa loob ng 4 na araw?
Anong siste ng ginawa nyong survey? Online ba? House to house? Nasaan ang mathematical form? Gaano ka-accurate ang ginawa n’yong kalkulasyon?
Mga Cabalen, sa social media nyo po malalaman ang totong boses ng taumbayan. Ngayon, sino po ang ating paniniwalaan?
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!