May 18, 2024

Premier Volleyball League teams, nagsimula nang magtraining para sa upcoming Open Conference

Anim sa Premier Volleyball League (PVL) teams ang nagsimula nang magset ng kanilang training. Ito ay para sa nalalapit na Open Conference.

Nakakuha na ng clearance ang Petro Gazz sa San Juan local government at Games and Amusement Board. Nagsimula nang magtraining ang Petro Gazz noong nakaraan pang linggo.

Ang Peak at Bale Pure naman ay pinayagang magtraining sa Greenhills West sa San Juan. Sa wakas, ang Ronac gym sa Shaw Boulevard ay nakakuha rin ng clearance sa Mandaluyong City Hall at GAB.

Ang naka-set magtraining ngayong linggo ay ang Creamline, Choco Mucho at Perlas. Ang pagdarausan naman ng training ng PLDT at Cignal ay sinusuri ng Manila City Hall. Hihintayin pa nila ang go-signal ng LGU para makapagdaos sila ng training.

Gagabayan ang PLDT ni Roger Gorayeb sa training sa San Sebastian College-Recoletos gym sa Recto. Habang ang Cignal ay magsasanay sa Paco Arena.

Ang nasabing pasilidad ay pinahintulutan ng GAB na pagdarausan ng training. Ayon kay PVL president Ricky Palou, naka-set ang protocols sa bawat trainings ng teams.