May 5, 2024

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE, PAPALO NA SA MARCH 16, VALDEZ, TARGET UMALAGWA SA FINALS

Papalo na ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Marso 16. Magtatagisan ang nasa 9 na teams sa nasabing torneo. Kaugnay dito, may ilang teams na napipisil na maaaring pumalaot sa quarterfinals.


Kabilang na rito ang Creamline Cool Smashers, F2 Logistics, Choco Mucho, Petro Gazz at PLDT. Malakas pa rin ang line-up ng defending champions na Chery Tiggo.


Kumpiyansa naman si Alyssa Valdez na aalagwa ang kanilang team. Kasalukuyang nagsasagawa ng tune-up games ang mga teams.


Target nina Valdez na pumalaot muli sa finals at sikwatin ang kampeonato. Ganito rin ang pulso ni Petro Gazz volleybelle Myla Pablo. Samantala, hindi naman makalalaro sa Chery Tiggo Crossovers si Jaja Santiago. Ito ay dahil sa kanyang commitment sa Japan V. League sa Ageo Medics.

Gayunman, depende aniya sa sitwasyon kapag maluwag na, saka siya maglalaro.