May 5, 2024

Prediksyon ni Durant; Clippers at Bucks, maghaharap sa 2020 NBA Finals

Nagpahayag si Brooklyn Nets injured player Kevin Durant tungkol sa kanyang prediksyon sa NBA Finals.

Aniya, magtatapat ang Los Angeles Clippers at Milwaukee Bucks sa finals.

Sinabi pa ni Durant na ang Clippers ang hahablot ng titulo. Kung tatama ang hula niya; masusungkit ng Clippers ang kauna-unahang championship sa history ng franchise.

Kung Bucks naman ang magwawagi, magiging champion sapol nang mahblot ito noong 70’s. Kung saan naglaro noon si Kareem Abdul-Jabbar sa team.Kung matatandaan, napunit ang Archilles ni Durant noong naglaro siya sa Warriors sa finals.

Kaya naman, hindi siya nakapaglaro ng buong season sa Nets. Nagpapagaling pa sa ngayon si Durant. Inaasahang babalik siya sa laro sa next NBA season.