MAGTATAGISAN ng bangis ang finalists Itakura Philippine Parts Corporation( IPPC) Hawks kontra University of Santo Tomas( UST) Tigers sa pag-arangkada ng game 1( best-of- three) finals ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup, Sabado ng tanghali sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Magku-krus ng landas ang Hawks ni coach Orlando Binarao at tropang Tigers matapos nilang dispatsahin ang Thunderz at NU Bulldogs ayon sa pagkakasunod sa kanilang knockout semifinals nitong nakaraang weekend.
Ang Hawks ni Kunifumi Itakura ay kinailangang talunin ng dalawang beses sa crossover semifinals gayundin ang UAAP powehouse na Tigers ay twice to beat ang Bulldogs.
Bago ang titular championship ay magtutunggali ang Bulldogs kontra Thunderz sa kanilang one game battle for third place bandang alas-otso ng umaga.
Ang LBP Tingzon Cup ay inorganisa nina Chairman Wopzy Zamora, President Pepe Muñoz at Executive Director Boy Tingzon. Ang Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal sa namayapang baseball leader icon Rodolfo Tingzon, Sr. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA