December 25, 2024

POLICY INTEREST RATE NG BANSA, TINAASAN NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 4.25% ang policy interest rate ng bansa. 

Itoy matapos magdesisyon ang monetary board na itaas ng 50 basis points sa 4.25%  ang interest rate overnight reverse repurchase facility upang maagapan ang epekto ng inflation at patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. 

Epektibo ang pagtataas ng interest rate nitong Setyembre 23. 

Kasabay nito, inanunsyo rin ng BSP ang pagtataas ng interest rate sa overnight deposit sa 3.75% at 4.75% naman sa lending facilities. 

Dahil sa desisyon na ito ng Central Bank, umaasa sila na bahagyang babagal ang bilis ng Inflation Rate na dulot ng global recession.