May 14, 2024

EXCELLENTE HAM SA QUIAPO, MAY DAGDAG PRESYO

NAGTAAS na rin ng presyo ang kilalang Christmas ham manufacturer sa Quiapo Maynila. 

Ayon sa Excellente Ham sa Quiapo, P40 ang itinaas nila sa kanilang mga produkto. 

Kabilang dito ang mga chinese ham, sweet ham at maging ang mga scrap ham, hamon de bola, sweet bacon at iba pa.. 

Ang dating isang kilo na sweet Chinese ham na nagkakahalaga ng P1,680, ay nagkakahalaga na ngayon ng P1,720. 

Matatandaan na nag taas na rin ng presyo ang ilan pang noche buena items gaya ng fruit cocktails, all purpose cream at iba pa. 

Una nang nagpayo ang dti na bumili ng maaga ng mga noche buena items dahil pwede pa anila tumaas ang nasabing mga produkto.