May 14, 2024

Korte sa Antipolo Rizal at Angeles Pampanga, isasailalim sa lockdown

WORK FROM HOME muna ang mga empleyado ng mga korte sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal at Angeles City Pampanga. 

Base sa Court Lockdown Bulletin na inilabas ng Supreme Court, isasara ang Regional Trial Court Branch 99 sa Antipolo City gayundin ang Regional Trial Court Branch 115 sa Angeles City Pampanga. 

Kapwa nagpositibo ang ilang empleyado ng mga ito sa covid-19 kung kayat kailangan naka-isolate ang mga nakasalamuha na mga kapwa empleyado. 

Tatagal ang lockdown ng hanggang September 28 ngunit inaabisuhan ang mga may transaksyon sa naturang mga korte na pwede pa rin silang makapagsumite ng mga pleadings sa pamamagitan ng online. 

Mayroon ding hotline at mobile number na pwedeng tawagan ng sinuman upang makausap nila ang mga kawani ng dalawang nabanggit na korte.