Nakatakdang parangalan sa idaraos na President’s Award si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol’ Tolentino. Na ito ay isagawa sa Marso 27 sa SMC-PSA Annual Awards Night sa TV5 Media Center.
Kabilang si Tolentino sa special awardees ng oldest sports organization sa bansa. Isa sa mga naging barometro ng pagbibigay gawad sa kanya ay ang ikinasa nitong P180-million item.
Na ikinapit sa Bayanihan to Recover as One Act 2 para sa mga national athletes at coaches sa national team.
Sa ilalim ng House of Representative version ng Republic Act 11494, nakatanggap ng mothly allowances ang nasa national team. Na ito ay nagsimula noong November 2020.
Natapyasan kasi ang pondo ng mga atleta’t coaches nang gamitin ng pamahalaan ang pondo. Ito ay para sa kampanya laban sa pagsugpo sa COVID-19.Sa Bayanihan Act 2 naman, natanggap din nila ang retroactive. Kung saan ang nabawas na half ng kanilang allowances ay napasa-kanilang muli.
Maliban pa ito sa pandemic assistance na P5,000 sa kanila.
“If for this alone, the Philippine Sportswriters Association President’s Award is most sincerely presented to Rep. Abraham Tolentino, president of the Philippine Olympic Committee,” ani PSA president Tito Talao.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!