
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Philippine National Police Academy Alumni Association, Inc. (PNPAAAI) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatalaga kay Police Major General Nicolas D. Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa opisyal na pahayag ng PNPAAAI, ang pagtatalaga kay PMGen. Torre — isang miyembro ng PNPA Tagapaglingkod Class of 1993 — ay isang makasaysayang hakbang dahil ito ang unang pagkakataon na ang isang alumni ng PNPA ay hinirang bilang PNP Chief.
“Isang makapangyarihang pagpapatunay ito ng mga pinanghahawakang prinsipyo ng akademya — katarungan, integridad, at serbisyo sa bayan,” ayon sa asosasyon.
Dagdag pa ng pahayag, ang tiwala ni Pangulong Marcos kay PMGen. Torre ay nagbibigay inspirasyon sa buong PNPA community at patunay ng pagkilala sa dedikasyon at husay ng mga alumni ng akademya.
Buong suporta rin ang ibinigay ng pamunuan ng PNPAAAI kay PMGen. Torre sa kanyang bagong tungkulin. “Kami ay kaisa sa kanyang misyon para sa kapayapaan, seguridad, at pagbabalik ng tiwala ng publiko sa PNP,” anila.
Ang pahayag ay nilagdaan ng mga opisyal ng PNPAAAI kabilang sina Lakan Gilbert DC. Cruz (Chairperson), Lakan Cedrick G. Train (Vice Chairperson), Lakan Arnold P. Ardiente (President), at iba pang miyembro ng Board of Trustees.
More Stories
DepEd binawasan ng 57% ang school forms ng mga guro
MRT-7 mula Trinoma hanggang Sacred Heart, target buksan sa 2027 – DOTr
Kiefer Ravena at Diana Mackey, kasal na sa susunod na linggo! Prenup photos, ibinida sa IG