May 4, 2024

PNP MAY MGA BAGONG KAGAMITAN

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Benjamin Acorda Jr., ang presentasyon at pagbabasbas sa mga bagong biling kagamitan ng PNP sa PNP Transformation Oval sa Camp Crame, Quezon City. Kasama sa mga iprinesintang kagamitan ay ang 80 units ng light transport vehicle; 10 units ng advance life support ambulance; 3,300 units ng 5.56mm basic assault rifle; 4,147,266 ng bala; 369 units ng digital mobile radio at 1,416 units ng enhanced combat helmet. Ang mga nasabing kagamitan ay gagamitin para mapanatili at kapayapaan at kaayusan sa bansa. (Kuha ni ART TORRES)