May 18, 2024

PNOY MINURA, SINABIHAN PANG MAY HIV: GADON I-DISBAR – NETIZENS

NAGNGINGITNGIT sa galit ang mga netizens kay Atty. Larry Gadon matapos nitong magdiwang at magkalat ng fake news tungkol sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino III sa isang radio show.

Isang netizen ang nag-upload sa Twitter ng video clip ni Gadon habang on-air sa “Karambola” sa DWIZ kung saan tinatalakay ang pagpanaw ng dating pangulo.

Maririnig si Gadon na walang pakundangan na minura si PNoy at tila nagdiwang pa sa pagpanaw ng dating pangulo.


Sinabi rin ni Gadon na mayroon daw HIV ang dating pangulo, na umano’y narinig niya sa isang kaibigan.

“Pero may HIV siya kaya ‘di gumaling,” sambit ni Gadon. Tanong naman ng female host na si Atty. Trixie Cruz-Angeles. “Ha? confirmed?” Na sinagot naman ni Gadon, “Oo, according to my friend na kilalang- kilala yun.”



Dahil dito nagalit ang mga netizens, supporter ng mga Aquino at HIV advocates na ipinanawagan na ma-disbar ang abogado dahil sa paglabag nito sa Republic Act No. 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.

“Hi @IntegratedBarPH can we please review/Check Atty. Gadon’s unethical behavior because it’s a clear Violation of RA 11166 regardless of the veracity of the claim. #DisbarGadon.”

Sa inilabas na statement ng pamilya Aquino, dakong alas-6:30 ng umaga kahapon nang pumanaw ang dating pangulo dahil sa renal disease secondary to diabetes.