April 27, 2024

PLDT HIGH SPEED HITTERS, TEAM TO WATCH SA PVL OPEN CONFERENCE

May be an image of 12 people and text
Photo Courtesy of PLDT High Speed Hitters FB page

Kargado ang PLDT High Speed Hitters ng matitikas na volleybelles. Talagang handa na sila para sa PVL 2022 Open Conference sa Pebrero. Kinuha ng PLDT ang serbisyo ng ilang players mula sa team na hindi sasali sa liga.
Nanglambat sila sa Banko Perlas at Sta. Lucia Lady Realtors. Kung lilimiin, aba’y malakas ang line-up nila at kayang makipagsabayan.

Kasama na nga rito si Mika Reyes, Heather Guinoo at Jules Samonte. Gayundin sina Wendy Semana, Llara Clavano at Fiola Ceballo at Delle Palomata. Kinamada rin ng Speed Hitters ang veteran na si Rhea Dimaculangan na kakampi ni Reyes sa Petron Blaze Spikers sa PSL.


Naisalang din sa line-up sina Jessey De Leon, Kath Arado at Mean Mendrez.Nagdagdag din ng arsenal ang ibang teams gaya ng Choco Mucho Flying Titans. Nilambat nito sina Iza Molde at Desiree Cheng. Pero, as o now, ang PLDT ang interesting team na aabangan ngayon sa PVL.


Contender ang team na ito na pwedeng kumasa sa Chery Tiggo, Petro Gazz Angels at Creamline Cool Smashers.