May 3, 2024

Players, coach at fans, nakiramay sa pumanaw na masahista ng Brgy Ginebra

We will all miss you and I’m sure the old school fans and old school players will miss you, too.”

 “Rest in Peace. We love you, Mang Jun,” ito ang naging pahayag ni Brgy. Ginebra veteran guard Mark Caguioa sa pagpanaw ng masseur ng team.

Ito ay si Raphael ‘Mang Jun’ Vicera na pumanaw sa edad na 67 dahil sa komplikasyon sa diabetes.

Bukod kay 2012 PBA MVP na si Caguioa, nagpaabot din ng pakikiramay si Ginebra Board of Governor Alfrancis Chua. Si Chua rin ang nagkumpirma ng malungkot na balita.

Nakiramay din si coach Tim Cone sa naulila ni Mang Jun. Aniya, ito ang nagkukuwento sa kanya tungkol sa nakaraan ng Ginebra.

Maging ang fans ng Ginebra ay nagbigay ng tribute at pakikiramay kay Mang Jun sa Facebook pages nito.

Si Mang Jun ay naging masahista na ng team noon pang 1975. Mula sa panahon ni Ginebra legend Robert Jaworski hanggang sa Cone era. Sa kabuuan, naging masahista si Vicera sa loob ng 37 taon.