MAINIT na tinanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Pitmaster Foundation.
Namahagi ng 17,000 food packs para sa noche buena ang Pitmaster Foundation Inc. sa 17 lungsod ng Metro Manila.
Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, ipinadaan sa mga mayors ang noche buena donations ay sila na ang bahalang magbigay nito sa pinakamahirap na mga constituents nila.
“This is our little way na iparamdam sa mga mahihirap na mga kababayan natin na kahit may pandemic, tuloy ang Pasko sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng pamilya,” sabi ni Atty. Cruz
Ani Cruz, bawat lungsod ay hinatiran ng 1,000 food packs na nagkakahalaga ng P500 bawat isa.
Ito ay naglalaman ng ilang kilo ng bigas, de lata, spaghetti, fruit cocktail, at iba pa.
“Ramdam po namin sa Pitmaster ang pinagdadaanan ng mga tao sa mga panahon ngayon lalo na ang mga mahihirap na simula pa noong ECQ ay problema na ang pagkain,” dagdag pa ni Cruz.
Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga LGUs sa NCR sa maagang pa-noche buena ng naturang foundation.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna