May 4, 2024

PITMASTER GINAWARAN NG PHILIPPINE NAVY NG PN STAKEHOLDERS RECOGNITION AWARD 2022

Labis na nagpapasalamat ang Pitmaster Foundation sa iginawad na PN Stakeholders Recognition Award 2022 kasabay ng 124th Philippine Navy Anniversary.

Ang naturang awarding ceremony ay ginanap noong Mayo 16 sa Headquarters ng Philippine Navy sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Personal na inabot ni Philippine Navy chief Vice Admiral Adelius Bordado ang award na personal namang tinanggap ni Pitmaster Foundation Director Atty. Caroline Cruz.

Binigyan ng pagkilala ng Philippine Navy ang Pitmaster Foundation bilang isang partner sa pagtaguyod ng bansa at pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan.