May 19, 2024

PIOLO PASCUAL, NANATILING TAHIMIK SA PASABOG NI BB GANDANGHARI

MUKHANG mas minabuti nitong si Piolo Pascual ang manahimik na lamang sa pasabog na ginawa nitong si Bb Gandanghari.

Matagal na kasing isyu iyan sa ABS-CBN, na may nangyari sa kanila ni Papa P noong 2001 sa San Francisco, California noong hindi pa naglalantad si Rustom Padilla.

Ano kaya ang intensyon nitong si Bb Gandanghari? Ang makakuha ng maraming views, likes at subscribers para makolekta siya nang malaking halaga sa kanyang vlog?

Okay lang sa kanya ang makasira siya ng kapwa, kaya ginawa niya iyon. Besides wala naman nang sisirain sa kanya, dahil matagal naman na siyang sira at siya ang sumira sa kanyang career at buhay.

Nakakaawa itong si Bb Gandanghari, dahil sa mga ginawa niya at wala nang respeto ang mga tao sa kanya. Siya iyong klase nang baklang hindi mo dapat pagkatiwalaan.

Ang respeto ng mga tao ay na kay Papa P, dahil napakabuting tao nito. Kaya tama lang na hindi niya patulan si Bb Gandanghari, dahil bukod sa magagamit siya nito ay mahahatak pa siya sa pagiging laos nito