May 18, 2024

BILLY CRAWFORD, HANDANG BANGGAIN ANG EAT BULAGA

MATATANDAAN na lumapit itong si Billy Crawford sa pamunuan ng GMA-7 upang bumalik sa nasabing TV network pero hindi siya tinanggap dahil na rin sa pagiging walang loyalty nito sa nasabing network.

Ngayong na sa poder na siya ng TV5, at binigyan ng show kasama si Luis Manzano, makakaya kaya nilang tapatan ang ‘Eat Bulaga’ ng GMA-7?

Ito ngayon ang malaking hamon kina Luis at Billy kung anong puwede nilang i-offer sa kanilang manonood para mapabilib nila ang big boss ng TV5.

Dahil kung hindi ay baka maagaang mamaalam ang kanilang show dahil ang kanilang tinapatan ay matagal ng haligi sa showbusiness. Anong say ninyo, may laban ba?