May 3, 2024

PINUNO PARTYLIST BINISITA ANG RIZAL

Binisita ng numero unong suporter ng PINUNO Partylist na si Senador Lito Lapid kasama ang first nominee na si Howard Guintu ang probinsya ng Rizal ngayong araw, ika-1 araw ng Marso, 2022.

Inikot ni Lapid at Guintu ang mga bayan ng Montalban, San Mateo, Marikina, Antipolo, Taytay, Angono, Binangonan, Morong, Baras at Tanay.


“Kami ay natutuwa sa napaka init na pagtanggap ng mga taga-Rizal sa PINUNO Partylist,” ani Lapid.

Bukas, tatapusin ng PINUNO Partylist ang pag-iikot sa Rizal sa kanilang pagbisita sa bayan ng Pililia.

Bibisita rin sila bukas sa bayan ng Mabitac, Siniloan, Pagsanjan, Sta. Cruz, Pila, Los Baños, Calamba, Cabuyao, Sta. Rosa, Biñan and San Pedro sa Laguna. (Danny Ecito)