May 4, 2024

Pinoy, celebs kumasa sa #ManilaBayChallenge

DINAGSA ng ating mga kababayan ang kahabaan ng Roxas Boulevard nitong weekend upang masilayan at ma-experience ang pinagandang Manila Bay kung saan tampok ang “white sand beach” nito.

Halos hindi mahulugan ng karayom ang pila sa mga nagnanais kumuha ng souvenir mula sa magandang tanawing hatid ng white sand area nang buksan ito sa publiko.

Gayunman, hindi na nasusunod ang physical distancing na posibleng maging dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang dinurog na dolomite na galing sa Cebu ay itinambak sa bahagi ng baybayin ng Manila Bay para sa beautification efforts sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta mula sa grupo ng kalikasan at iba pang kritiko.

At ito na nga, ginawang katatawanan ng ilang Filipino ang sitwasyon sa pamamagitan ng “ManilaBayChallenge o pagpo-post sa social media kung saan makikita ang larawan ng tumupukan ng mga tao sa isang footbridge na nakaharap sa nasabing baybayin habang kasama ang kanilang photoshopped pictures na nagpapakita na nasa Manila Bay sila.

Binaha ang Facebook, Instagram at Twitter ng nasabing memes kung kasali ang ilang celebrities.

Kabilang sa mga sikat na personalidad ay sina Harry Roque, Kris Aquino, James Reid at Nadine Lustre aka JaDine at BrightWin ng Thai BL drama 2gether.

Narito ang ilang funniest post:

https://twitter.com/imkierantiu/status/1307633039820779521
https://twitter.com/_Briiight/status/1307633717653897216