
Balak isalang ng pamunuan ng Pinoy Big Brother ang ilang pamosong personalidad sa upcoming celebrity edition nito. Kabilang na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Gayundin sina Manila Mayor Isko Moreno, Pasig Mayor Vico Sotto. Maging ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz ay napipisil ding isama. pati na rin ang coach nito na si Julius Naranjo.
Nais ng mga host ng PBB na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Robi Domingo na mapasama ang mga nabanggit. Gusto nilang makita sila sa Bahay ni Kuya.
Papalo na sa 10th season ang PBB at nagpa-audtions na sila sa nasabing programa. Ito ay sa pamamagitan ng community platform na Kumu. Isasalang ang housemates sa celebrity at teen editions.
More Stories
Sarah Lahbati, nali-link sa anak ni House Speaker Romualdez
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN