May 19, 2024

ANDREA BRILLANTES, MAY INGGIT FACTOR SA MGA BAGUHAN NA SIKAT AGAD

Ibinulalas ni Andrea Brillantes, 18, ang kanang saloobin kaugnay sa anyang stand sa showbiz. Ito ay tungkol sa kanyang popularidad. Aniya, parang hindi pa mataas ang kanyang profile bilang artista.


Marami naman ang nagagandahan sa batang aktres. Pero, parang kulang aniya sa charm. Di tulad sa mga baguhan na sikat agad. Naungusan na na ba siya ng ibang baguhang teen star?Hindi naman siguro.

Pero, iyon ang sentimento ni Andrea. May halong inggit sa ibang sumisikat agad. Samantalang siya simula pagkabata ay nag-aartista na.


“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,”ani Andrea.


Mapapanood si Andrea sa isang drama serye na isa siya sa bida. Ito ay ang “Huwag Kang Mangamba”, Kung saan, kasama niya rito ang bagugang si Francine Diaz.