May 19, 2024

AYUDA NI GRETCHEN BARRETO SA PRESS PEOPLE, KATAS NG ONLINE SABONG?

Nawiwili pala ngayon sa online sabong si Gretchen Barreto. Ito ang kanyang pinagkakaabalahan ngayong panahon ng pandemic. Pinagkakakitaan din.


Legal ang online sabong kaya go si Greta. Bawal pa kasi sa ngayon ang talagang mano-manong sabong. Malaki raw ang kinikita ni Gretchen sa online sabong kaya kinarir na niya ito.


Kaya naman, nag-alaga na siya ng mga panabong na tandang. Ginawa na niyang raket. Ayon sa mga bayang sabungeros at mga kakilala niya, baka panay ang panalo ng aktres.


Kasi naman, panay ang bigay niya ng ayuda sa mga entertainment press. Pinamamahagi niya ang blessing sa kanya in a nice way. Kung aya, natuwa ang ilan at nagpasalamat kay Greta sa kanyang ipimamigay na ayuda.


Ke galing may yan sa napanalunan nya sa online sabong, ayos lang. May buwis naman kasi ito kaya legal.