May 16, 2024

PING ‘LODI’ SI NOYNOY

Higit na naiiba si dating Pangulong Benigno Aquino III sa lahat.

Ito ang binigyang diin ni Senator Ping Lacson kung saan sinabi nito na si Aquino ang pinakahinahanggaan niya sa lahat ng naging pangulo ng bansa.

Pumanaw si Aquino sa edad na 61 noong Hunyo 24, 2021. Siya ang ika-15 presidente ng bansa mula 2010 hanggang 2016 at anak ng dalawang democracy icons.

‘I will say it again – My most admired president,” tweet ni Marcos kasunod ng paggunita ng unang death anniversary ni Aquino.

Si Lacson ang naging rehabilitation czar ng Aquino administration para sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.