Nagwakas na ang kampanya ni Pinay netter Alexandra Eala sa French Open Juniors sa Paris. Dinaig ng local bet na si Elsa Jacquemot si Eala, 6-3, 6-2 sa semifinal.
Naimintis ng No.2 seed na si Eala ang kanyang serve ng six times. Dahilan upang makaungos ang hard-serving French na si Jacquemot sa match na tumagal ng 64 minutes.
Sa kabina na nalaglag si Eala, may tsansa pang ma-improved nito ang kanyang ranking sa ITF junior ranking No.4 sa end of tournament.
Ang No.3 seed na si Jacquemot ay unang beses ding sumalang sa French Open gaya ni Eala.
Dahil sa panalo, haharap si Jacquemot kay Russian Alina Charaeva. Sinilat ni Charaeva ang top seeden at ITF juniors No. 1 na si Victoria Jimenez Kasintseva sa second round ng torneo.
Tinalo rin nito ang compatriot na si Polina Kudermetova, 7-6 (5), 2-6, 7-5, para sa final spot.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na