PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang inagurasyon at pagbabasbas ng inayos at mas pinagandang Navotas City Central Fire Station sa lungsod.
Ang station ay itinayo noong 1971 at sumailalim sa pag-upgrade noong 2021 at ngayon ay mayroon na itong modernong pasilidad at mga equipment na inaasahang makatutulong sa mas mabilis na pag-responde sa panahon ng kalamidad tulad ng sunog, baha, lindol, at iba pang sakuna.
Binati at pinasalamatan ni Mayor Tiangco ang mga bumbero sa kanilang mga serbisyo sa mamamayan ng lungsod at pinalalahanan din niya ang mga ito na palaging mag-ingat.
“Alam po natin napakasipag at napakagaling ng ating mga bumbero kaya nararapat lamang na maayos ang kanilang tahanan para naman maibigay nila ng maayos ang serbisyo para sa atin ating mga kababayan”, pahayag ni Mayor Tiangco.
Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon sina Bureau of Fire Protection (BFP) Director Louie S. Puracan, BFP-NHQ Director of Logistics CSUPT Vonrad Fernando B. Dobluis, BFP-NCR Regional Director CSUPT Gilbert D. Dolot, BFP-NCR District Fire Director SSUPT Pedro G. Balatero Jr., at City Fire Director SUPT Joel L. Diwata.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA