May 5, 2024

Pilipinas Super League Pros Dumper Cup….DAVAO COCOLIFE TIGERS WAGI VS P’PANGA ROYCE ENTRA SA FINALS

NATAPOS na ang lahat ng balakid patungong  finals ng Pilipinas Super League Professional Division Dumper Cup matapos daigin ang Pampanga Royce, 88-80 sa best-of-three semis sa Bren Z. Guiao Convention Center na nasa  San  Fernando, Pampanga,

Mula sa eliminations hanggang semifinals ay apat na talo lang ang koponang pag-aari ng  Bautista clan mula sa Davao Occidental na  suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.

Unang talo nila  ay kontra  sa Cagayan de Oro team, kasunod ang back-to-back losses nila laban sa San Juan at Pampanga Lanterns sa mismong Tigers territory at ang huli ay noong game one ng kanilang semifinals match kontra Pampanga Royce.

Lahat ng mga pagkabigo ay ginawang basehan ng defending champion upang mas tumaas ang kanilang level of perpormance at maipagpatuloy ang kanilang winning tradition hanggang semifinals to finals.

Kakalabanin ng Davao Cocolife Tigers ang mga mas bata pero determinado at displinado bukod sa todo suporta ni Gov.Dennis Pineda ang Pampanga Lanterns.

Sa rubbermatch ng Tigers Royce, muling nagpapasiklab ang sweet-shooting veteran na si John Wilson sa kanyang kamadang  22 puntos at 10 rebounds kasosyo niya sa Winzir Super Player of the Gam..e si Renzo Subido na may tikadang 17 puntos at 1 rebound.

Si dating Gilas Pilipinas standout Justin Baltazar ang inaasahang maninindigan nang husto para sa kanilang kalaban.