May 5, 2024

National Open trackfest ’23 UNANG DOUBLE GOLD NI DEQUINAN SA ILAGAN

BILANG pagpapatunay ng kanyang reputasyong  iron woman ng athletics bansa,kumopo ng gold at silver si Sarah Dequinan sa women’s long jump at javelin throw, kamakalawa upang tanghaling as the most bemedalled athlete sa ikatlong araw ng hoatilidad sa ICTSI Philippine Athletics Championships sa Ilagan,Isabela.

Matapos ang kumbinsidong panalo  women’s heptathlon sa  score na 4,544 points, mayroon pang isang pinatunayan si Dequinan .

Tampok sa tunggalian  ay ang women’s long jump at  javelin throw, ang  2019 30th Southeast Asian Games heptathlon queen ay kumaripas ng  sprint back-and-forth sa  100 meters  upang sabay  na magpasiklab sa dalawang events.   

Nangibabaw siya sa  women’s long jump para sa  gold sa lukso niyang   5.79 sa meet na inorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association.

“Okay na ako? Okay na ako? (Am I okay? Am I okay?)” Pahayag ng pagod pero masayang si  Dequinan .

 “There were more athletes to compete against. Kalaban mo lang yung sarili mo sa hepta. Masaya kasi marami. (It was like battling with myself in the hepta. I was happy we were many competing.),” ani pa ng Valencia,Bukidnon pride na si Dequinan.