NATAPOS na ang lahat ng balakid patungong finals ng Pilipinas Super League Professional Division Dumper Cup matapos daigin ang Pampanga Royce, 88-80 sa best-of-three semis sa Bren Z. Guiao Convention Center na nasa San Fernando, Pampanga,
Mula sa eliminations hanggang semifinals ay apat na talo lang ang koponang pag-aari ng Bautista clan mula sa Davao Occidental na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.
Unang talo nila ay kontra sa Cagayan de Oro team, kasunod ang back-to-back losses nila laban sa San Juan at Pampanga Lanterns sa mismong Tigers territory at ang huli ay noong game one ng kanilang semifinals match kontra Pampanga Royce.
Lahat ng mga pagkabigo ay ginawang basehan ng defending champion upang mas tumaas ang kanilang level of perpormance at maipagpatuloy ang kanilang winning tradition hanggang semifinals to finals.
Kakalabanin ng Davao Cocolife Tigers ang mga mas bata pero determinado at displinado bukod sa todo suporta ni Gov.Dennis Pineda ang Pampanga Lanterns.
Sa rubbermatch ng Tigers Royce, muling nagpapasiklab ang sweet-shooting veteran na si John Wilson sa kanyang kamadang 22 puntos at 10 rebounds kasosyo niya sa Winzir Super Player of the Gam..e si Renzo Subido na may tikadang 17 puntos at 1 rebound.
Si dating Gilas Pilipinas standout Justin Baltazar ang inaasahang maninindigan nang husto para sa kanilang kalaban.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA